So pano nga ba ako magstart sa tungkol sa Election na to. Nung nasa comelec pa lang ako at nagaaply para maging isang botante. Ang hirap sa kadahilanan na sobrang daming tao na gusto mag parehistro. Para makaboto o sa simpleng salita gusto ng pagbabago para sa ating bansa. Nung oras na yun dun ko lang na
realize na grabe ganito pala talaga kaimportante bumoto. Hindi ko naman din iniisip noon yan eh. Para naman kasing wala din nangyayari sa Pilipinas ganun parin naman na kahit sinong Presidente o opisyales ng ating bansa. Ewan ko ba. Bakit kailangan nilang lokohin yung mga kapwa nila Pilipino. Eh pareparehas lang naman tayo ah. Tao lang din naman tayo tulad nila. Kaso di nga lang tayo ganun kayaman parehas nila.
Nung ako'y kasalukuyang nakarehistro na bilang botante. Mga 1buwan pagkatapos kong marehistro. May pumuntang babae para sa mga kandidato para sa Election dito lamang samin sa Quezon City. Si Michael "Mike" Defensor pala ang kanyang kandidato. Tapos tinanong kami kung gusto namin maging P. Leader. Sabi ko naman ok lang po. Ok ako ng ok eh bagong botante ako di ko naman alam gagawin ko dun. Hahaha. Natawa na lang ako sa sarili ko. Pagkatapos nun pumirma kami. Pinatawag na kami siguro pagkalipas ng 2linggo. Nagkameeting Bigyan kami ng kit. Blue kit. Nagtataka ako kung para saan yun nung binigyan na kami. UY! listahan pala yun ng mga botante ano kayang gagawin namin dun?
to be continued ...
~EYTELSTAR
No comments:
Post a Comment