Monday, May 10, 2010

SA UNANG PAGKAKATAON NA PAGBOTO ~ AUTOMATED NA!!

Alam ko maraming gusto makabasa ng mga ganitong sulatin. Para sa mga natutuwa o nagnanais na malaman ang aming saloobin.

~ OO masaya maging isang botante. Parang pag nakaboto ka na Uy! unang beses ko lang bumoto. Pero agam agam sobrang dami. Ano kaya kahihinatnan ng aking pag boto. Anong mangyayari. Masasayang ba to. O mababalewala lang ba ito?

Mga pangyayari sa Presinto na aming pinagbotohan.
5am pa lang eh andon na kami sa presinto o "clustered". Onti pa lang kami sa oras na yun at nagamit ko ang kauna unahang "automated election". Aba maganda kasi mabilis bumoto pero mahirap lang sa comelec yung mga nafile na pinilupan namin. Aba, grabe di alphabetically para dun sa mga kakaparehistro lang o sa mga kakatransfer lang sa lugar na yun. Buti pa sa mga lumang botante nakaayos. Kung tutuusin maayos naman eh tsaka mabilis yun lang talaga ang nagpatagal ang paghahanap ng aming mga pangalan at pag dating ng 9:35am na sira PCOS MACHINE. waaaaa!! Anong na ang gagawin. At dun na nagkadulo at di na nakaboto ang ibang tao. Sa kadahilanan na bumagal lalo at sa sobrang init.

ANG MGA MALI SA ELECTION MAY 10, 2010.

*1. Dapat nagbibigay sila ng numero na may pirma sa likod na kahit bumalik maari pa para di magkasakit o magkasakitan sa dami at siksikan ng taong gustong bumoto.
*2. Dapat mag kaiba ang numero ng mga nakakatanda o "senior citizen" disable at mga buntis. At mga tamang edad ng botante. Nang sa ganon maging mabilis.
*3. Diba ginawa nilang "CLUSTER" yung mga presinto? Sana ginawa ng comelec yung mga "record book" nila. 1 tao bawat libro para mapabilis ito o kaya naman ayusin muna nila sa pag kakasunod sunod ng mga apelyido. Bago nila dito pinamigay sa mga "CLUSTERED" na presinto.

ANG MGA TAMA SA ELECTION MAY 10, 2010.
*1. Mas napabilis na ang pagboto.
*2. Mas madali na ang pagboto.
*3. At higit sa lahat malalaman na agad kung sino ang nanalo. Di na mahihirapan ang mga
guro na magbilgang pa.


Iaaupload ko mga litrato. Bukas. :)
Maraming salamat po sa pagbabasa.
^^

~EYTELSTAR

2 comments:

  1. Di ko lang maintindihan bakit ung mga IT nila nung nasira ung PCOS MACHINE eh sabi lang nila. "IREREPORT PO NATIN ITO." hanggang sa natapos na ung eleksyon wala naman taga comelec na dumating. At halata sa IT ng comelec wala syang alam sa PCOS MACHINE. Bakit ko nasabi? Ni hindi man lang nya hinawakan. Hahawakan man nya binabasa muna nya sa sulok ung MANUAL. NYAK!! (di ba sila na "orient" tungkol sa MACHINE)

    ReplyDelete
  2. eEER!
    i guess my mga maling KONSEPSYON
    na kumakalat
    ndi nman mahirap bumoto dati pa eh
    kc all u have to do is
    isulat ung pangalan tapos
    hulog sa BALLOT BOX tapos onting checheburetse!

    mas madali ang magbilang ng BOTO
    napaka GAAN pra sa parte ng mga GURO

    hahahah
    TXARE.COM

    ReplyDelete